• Ang Kahalagahan ng Pinagsamang Pangangasiwa ng Baybaying-Dagat


  •   
  • FileName: main_pilipino_ver.pdf [read-online]
    • Abstract: pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan at iba pang sektor tungo. sa pagpaplano, pagpapatupad at pagmo-monitor ng mga angkop na ... ng dagat ang nagtulak sa pamahalaan at mga mamamayan na humanap ...

Download the ebook

1
UNANG
ARAW
Ang Kahalagahan ng
Pinagsamang Pangangasiwa
ng Baybaying-Dagat
Sa pagtalakay natin sa kursong ito, isang bagay ang dapat nating tandaan:
Ang pagtatatag ng isang santuwaryong-dagat na nasa pangangasiwa ng
pamayanan (community-based marine sanctuary) ay bahagi lamang ng
isang mas malawak na proseso na tinatawag na integrated coastal
management o coastal resource management (CRM), isang pinagsamang
pangasiwaan ng baybaying-dagat. Bago ang pagtatatag ng mga
santuwaryong-dagat mahalagang maunawaan muna kung ano ang CRM at
ang kahalagahan nito. Ito ang unang paksang ating tatalakayin.
Ano ang CRM?
Ang mga sumusunod ang mga mahahalagang ideya na saklaw ng CRM:
1. Ito ay isang istratehiya na kung saan ang lahat ng stakeholders o
sinumang may interes sa mga likas-yamang dagat ay nagkakaisa para
maisakatuparan ang maayos at tuloy-tuloy na paggamit, pangangasiwa at
pagpapalago ng mga likas-yamang ito.
2. Nakasalalay ang buong proseso sa partisipasyon, sama-samang pagkilos at
pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan at iba pang sektor tungo
sa pagpaplano, pagpapatupad at pagmo-monitor ng mga angkop na
paggamit sa mga likas-yamang dagat.
3. Tinawag itong “integrated” o “pinagsama” dahil tinitingnan ng CRM hindi
lamang ang karagatan at ang mga likas-yaman nito, kundi pati rin ang
kabundukan, at mga likas-yaman nito at ang mga gawain na nakakaapekto
sa mga baybaying-dagat. Sa CRM, isinasaalang-alang hindi lamang ang
pisikal na kapaligiran ng baybaying-dagat, kundi pati rin ang lahat ng mga
bagay na nakaka-apekto sa mas malawak na kapaligiran, lupa, dagat, at
tao. Mahalagang sangkap ng kapaligiran ang organisasyong pantao at ang
mga aspetong pang-kultura, pampulitikal, pangkabuhayan at panlipunan
nito.
2 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
Bakit kailangan ang CRM?
Malawak ang baybaying-dagat ng Pilipinas. Dito ay mayroong 18,000
kilometro kwadrado (km2) ng bahura (corals), 140,000 ektarya ng
kabakawanan (mangroves), at napakalawak na kalusayan (seagrasses).
Nguni’t gaya ng iba pang bahagi ng ating kapaligiran, ang karagatan at ang
mga baybayin nito ay nanganganib na tuluyan nang masira sa harap ng
napakaraming problema, tulad ng sobrang pangingisda o overfishing,
polusyon, patuloy na paggamit ng mga ipinagbabawal at mapanirang paraan
ng pangingisda. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga dahilan sa mabilis na
pagkasira ng ating mga bahura at kabakawanan.
Ayon sa mga dalubhasa, ang mabilis na pagdami ng mga mangingisda at
paglaki ng populasyon ng mga pamayanan sa tabing-dagat ay isang malaking
sanhi ng mabilis na pag-unti ng ating mga likas-yamang dagat. Halos limang
porsiyento (5%) na lang ng ating mga bahura ang nasa maayos na kondisyon
at mahigit sa pitumpung porsiyento (70%) na ang nasa masamang kalagayan.
Bagaman mukhang malawak pa ang ating kabakawanan ang mga ito ay
nanganganib na rin. Sa ngayon wala pa sa kalahati ng 450,000 ektarya ng
kabakawanan na naitala noong simula ng siglong ito ang natitira.
Kaya bago tuluyang maubos ang mga likas-yamang dagat, kailangang
makapagpatupad nang maayos na sistema ng pangangasiwa, paggamit at
pangangalaga ng mga ito. Ang CRM ang tugon dito.
Paano ipinasatupad ang CRM?
Gaya nang nabanggit na, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa
komunidad sa mismong pangangasiwa at pangangalaga ng karagatan. Dahil
dito, mahalaga na sa simula pa lamang, ang lahat ng sektor ay kasali na sa
proseso ng CRM. Kasama dito ang lahat ng mamamayang maaaring
maapektuhan ng prosesong ng CRM, tulad ng mga mangingisda, mga
mamimili, non-governmental organizations (NGOs), ang lokal na
pamahalaan, at iba pa. Mahalagang mahikayat ang sinumang may interes sa
baybaying-dagat na makibahagi at tumulong sa pagpapatupad ng CRM —
mula sa pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa baybaying-dagat
hanggang sa pagbabalangkas sa coastal resource management plan at
pagpapatupad nito. Nakapaloob sa isang CRM Plan ang mga hakbangin at
UNANG ARAW: Ang Kahalagahan ng Pinagsamang
Pangasiwaan ng Baybaying Dagat 3
mga paraang na napagkasunduan ng mga mamamayan at mga opisyal ng
barangay, sa munisipyo at lalawigan para pangasiwaan at pangalagaan ang
karagatan at mga likas-yaman nito.
Ang unang hakbangin sa CRM ay ang pangangalap ng mga sapat na
impormasyon tungkol sa baybaying-dagat. Ang impormasyong ito ang
gagamitin sa pagpaplano. Mahalagang kasama ang mga mamamayan sa
pangangalap ng mga impormasyong. Ang pamamaraang ito ay tinatawag na
“Participatory Coastal Resource Assessment” (PCRA) o ang sama-
samang pagtaya ng kalagayan ng dagat at mga likas-yaman nito. Layunin ng
PCRA na makabuo ng coastal area profile o isang dokumento na
naglalarawan ng kalagayan ng dagat. Nakapaloob sa coastal area profile
ang mga impormasyon tungkol sa kundisyon ng mga likas-yamang dagat, mga
isyu o suliranin, kalagayan ng mga pamayanang umaasa dito, mga mapa at iba
pang detalyeng kakailanganin sa paggawa ng isang CRM Plan. Ang proseso
ng PCRA ay ipinaliliwanag sa isang manual — Participatory Coastal
Resource Assessment: A Handbook for Coastal Resource Managers
1998 — mula sa Coastal Resource Management Project.
Kaalinsabay ng PCRA, ang pag-oorganisa sa mga pamayanan at pagbibigay-
edukasyon tungkol sa CRM ay kailangang isagawa. Bilang mga coastal
resource managers o tagapamahala ng dagat at nang mga likas-yaman nito,
kinakailangan na maorganisa at mabigyan ng kaalaman at kapangyarihan ang
mga mamamayan sa pangangasiwa ng likas-yamang dagat. Sa community
organizing, pinapalakas ang sense of community (diwang pampamayanan)
ng mga mamamayan sa pamamagitan ng regular na pagpupulong, sama-
samang pag-aaral sa mga isyung nakakaapekto sa pamayanan at paghahanap
ng mga solusyon sa mga ito. Sa pamamagitan nito nakapagbubuo ng pormal
na organisasyon o kaya ng komite na siyang mangunguna sa pangangasiwa
sa dagat. Ang organisasyon ay maaari ring makabuo ng mga programang
pangkabuhayan o mga gawaing pangkooperatiba. Sa pamamagitan ng
community organizing tinuturuan ang mga mamamayan kung paano higit
pang palalakasin ang kanilang samahan sa pamamagitan ng sama-samang
pagpaplano at pagdedesisyon.
Kaalinsubay ng community organizing ang community education. Layunin
ng community education na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga
mamamayan tungkol sa kapaligiran. Higit ang nabubuong malasakit ng mga
mamamayan sa pangangalaga ng karagatan kung lubos nilang nauunawaan
4 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
ang kahalagahan at mga limitasyon nito. Kaya kahit natapos na ang pormal na
pag-oorganisa ng komunidad, patuloy pa rin ang pagbibigay ng edukasyon sa
mamamayan tungkol sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa dagat at sa
mga tamang pamamaraan ng pangangasiwa nito.
Nagising na ang mga mamamayan sa maraming bahagi ng Pilipinas tungkol
sa kahalagahan ng CRM. Ito ay bunga ng mga benepisyong nakikita at
nakukuha nila sa mga proyektong kaugnay ng CRM.
Ang marine sanctuary o santuwaryong-dagat, na paksang ating tatalakayin
natin sa mga susunod na bahagi ng kursong ito ay isa sa mga istratehiyang
isinasagawa sa CRM. Nagiging mabilis at malawak ang pagtanggap ng mga
mamamayan sa mga pamayanan, lalo na sa ilang parte ng Bisayas at
Mindanao, sa konsepto at layunin ng santuwaryong-dagat. Dahil sa tagumpay
ng mga bayan sa pagtatatag at pangangasiwa ng mga santuwaryong-dagat,
UNANG ARAW: Ang Kahalagahan ng Pinagsamang
Pangasiwaan ng Baybaying Dagat 5
lalo pang lumalawak ang karanasan ng Pilipinas sa pagpapanatili ng
kalusugan at pagiging produktibo ng ating mga bahura. Nguni’t hindi pa
sapat ito. Patuloy na pananaliksik, pag-aaral at pagtutulungan ang
kailangan upang higit pang maitaguyod ang nasimulan nang magandang
pagkilos para sa ikapagpapatuloy ng ating kabang-dagat at sa ikauunlad
ng buong bayan.
6 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
2
IKALAWANG
ARAW
Balangkas sa Pagtatatag ng
Santuwaryong-Dagat na nasa
Pangasiwaan ng Pamayanan
Lahat ng ecosystems o likas na sistema ng buhay ay mayroong
delikadong balanseng pagkakaayos sa kapaligiran at ng mga sari-saring
nilikhang nakapaloob dito. Ang balanseng ito ang nagtataguyod sa mga
halaman, hayop, at sangkatauhan.
Ang isa sa malawak at may malaking pakinabang na ecosystem ay ang
mga bahura o coral reef system. Maraming hayop at halaman ang
nabubuhay sa bahura kaya napaka-produktibo ng ecosystem na ito.
Patunay nito, tinatayang 30 toneladang isda bawa’t taon ang nakukuha sa
isang kilometro kwadrado ng malusog na bahura. Sapat na ito upang
mapakain ang 600 tao sa buong taon. Ang mga bahura ang nagsusustento
ng pangangailangan ng tao sa pagkain at kabuhayan. Nagsisilbi din ang
mga ito ng proteksiyon laban sa malakas na agos at alon na maaaring
puminsala sa mga pamayanan na nasa dalampasigan.
Ang maganda, malawak at produktibong bahura ay maihahalintulad sa
isang pinong sinulid na maayos at balanseng nagpapatakbo nito. Ang
anumang pagbabago sa pagkakahabi ng mga nagtutulungang nilikha o
pagbabago sa kondisyon ng kapaligiran ay maaaring magbigay-daan sa
pagkasira ng sistemang ito.
Hindi natin maikakaila na nanganganib nang tuluyang masira ang ating
mga bahura at kabakawan dahil sa polusyon, labis na pangingisda
(overfishing) at patuloy na paggamit ng mga mapanirang paraan ng
pangingisda tulad ng dinamita at lason. Dahil dito, nalalapit nang
mapinsala nang husto ang ating mga yamang-dagat na siyang
pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming mamamayan.
De facto Open Access:
Dahilan ng Mabilis na Pagkaubos ng Ating Kabang-Dagat
Ang hindi masawatang pagkapinsala ng ating karagatan ay epekto ng
tinatawag na de facto open access. Dahil dito, tila walang maaaring
makapigil sa sinumang nagnanais mangisda kung kahit saan sa
anumang paraan, ligal man o iligal, kahit pa nga may mga batas na
nagbabawal sa paggamit ng mapanirang paraan ng pangingisda.
Hindi tulad ng lupa na maaariing ariin, walang nagmamay-ari sa
dagat at libre ang mga biyaya nito para sa lahat. Dahil dito, ang akala
ng marami ay wala silang responsibilidad para panatilihing maayos
ang kondisyon ng karagatan. Samantala kakaunti pa lamang ang mga
mamamayan na nababahala o nagmamalasakit tungkol dito.
Isinisisi sa pamahalaan ang kasalukuyang kalagayan ng karagatan,
dahil hindi nito matugunan nang lubusan ang mga suliranin ng mga
mangingisda at hindi nito maayos na naipapatupad ang mga batas na
dapat sana ay magbibigay-proteksiyon sa sektor na ito ng lipunan. Ngunit
8 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
ang pangangasiwa ng dagat ay hindi lamang ang pamahalaan ang may
responsibilidad. Responsibilidad din ito ng lahat ng gumagamit at
nakikinabang sa dagat.
Malaki ang magagawa ng sektor ng mga mangingisda upang mapigilan
ang mabilis na pagkaubos ng mga likas-yamang dagat dahil gawain nila
ang siyang may direktang epekto sa dagat. Sila ang pumipili ng paraan at
mga kagamitan sa pangingisda. Sila ang nagpapasya kung gagamit o hindi
ng dinamita o lason, kung gagamit ng mas malaking bangka, o di kaya’y
gagamit ng mga pinong lambat. Anuman ang maging desisyon nila, ang
mga ito ay may kaukulang epekto sa karagatan sa bandang huli.
Ang sobra-sobrang pag-aani ng ating mga likas-yamang dagat at ang
paggamit ng mga mapanirang paraan ng pangingisda ay mga trahedya
na araw-araw na nangyayari sa ating mga dagat. Marahil dahil
walang kinikilalang may-ari sa anumang bahagi ng dagat, naiisip ng
maraming mangingisda na mas makabubuting sa kanila na lamang
mapunta ang isda, sobra man ito sa kanilang pangangailangan, dahil
nakapanghihinayang na ang mga isdang hindi nila mahuhuli ang mga
ito ngayon at mapupunta lamang sa iba ang mga ito bukas.
Ang Santuwaryong-Dagat:
Paraan ng Pagpapanumbalik-Sigla sa Ating Karagatan
Ano ang santuwaryong-dagat?
Ang santuwaryong-dagat o marine sanctuary ay isang lugar sa dagat na
kung saan nililimitahan o kaya ay ipinagbabawal ang pagkuha o paggamit
ng likas-yaman, lalo na ang pangingisda. Itinatatag ang mga ito upang
mabigyan ang mga isda at iba pang yamang-dagat ng ligtas na lugar at ng
sapat na panahon para dumami at umaabot sa tamang laki bago sila
lumangoy palabas sa santuwaryo kung saan sila’y maaari nang hulihin.
Kailan makakamit ang inaasahang benepisyong makukuha sa
isang santuwaryong-dagat?
Anim na buwan lamang pagkatapos maitatag ang santuwaryong-dagat ay
makakaasa na ng pagbabago at pagbuti ng kondisyon ng mga bahura at
ng pagdami ng isda sa loob ng santwaryo. Ngunit 3-4 taon bago lubusang
PANGALAWANG ARAW: Balangkas sa Pagtatatag ng
Santuwaryong-Dagat na nasa Pangasiwaan ng Pamayanan 9
10 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
gumanda ang santuwaryo at ang mga isda ay lumabas mula dito at
maaaring hulihin. Ipinapakita nito na walang agarang pakinabang na
madarama ang mga mamamayan sa kanilang kabuhayan kaya maaaring
kailanganin nila na dagdag o alternatibong kabuhayan sa unang 3-4 taon
ng operasyon ng santuwaryo.
Kabilang sa maaaring dagdag o alternatibong kabuhayan ay ang
pagtatayo ng mga maliliit na negosyo tulad ng pagpapalago ng
seaweeds o halamang-dagat at ang paggawa ng asin. Maaari ring
makinabang ang mga mamamayan sa inaasahang paglago ng turismo.
Magsisilbi ring lugar ng edukasyon ang santuwaryo sa mga mag-aaral
o mga turista. Sa Apo Island Marine Reserve sa Negros Oriental,
halimbawa, ang taunang kapakinabangan mula sa turismo ay umabot
sa 941 dolyares ($941) bawat ektarya ng santuwaryo.
Ang santuwaryong-dagat ay isang paraan para mapabuti ang huli at
kita mismo ng mga mangingisda at ito ay maituturing na isang
pangmatagalan na pamumuhunan. Ayon sa mga dalubhasa, 10 taon
ang kakailanganin bago lubusang makabawi ang mga mangingisda.
Nguni’t sulit naman ang sakripisyo nila dahil higit sa dati na ng
pakinabang na maaasahan nilang benepisyo mula sa santuwaryo.
Napatunayan ito sa Sumilon Island Marine Reserve sa Central
Visayas na kung saan umabot sa mahigit 20 tonelada ang taunang ani
ng mga mangingisda sa bawa’t kilometro kuwadrado ng bahura sa
loob ng 5 taon (1975-1980). Ayon sa mga pag-aaral, 30 tonelada
bawat kilometro kuwadrado bawat taon ang maaaring mahuli ng mga
mangingisda mula sa karagatan sa isang malusog at protektadong
bahura.
Bakit mas epektibo ang santuwaryong-dagat na nasa ilalim ng
pangangasiwa ng pamayanan?
Ang isang santuwaryong-dagat ay maaaring pangasiwaan ng
pamahalaan, o ng mga nagmamalasakit na mamamayan at ng mga
organisasyon. Sa Pilipinas, napatunayan nang mas epektibo ang
pangangasiwa ng santuwaryong-dagat kung ito ay ipinagkakatiwala sa
mga pamayanan. Sa paraang ito, ang mga mamamayan o stakeholders
mismo ang nagbabalangkas ng mga tuntuning angkop sa kanilang lugar.
PANGALAWANG ARAW: Balangkas sa Pagtatatag ng
Santuwaryong-Dagat na nasa Pangasiwaan ng Pamayanan 11
Naipatutupad ang mga tuntuning ito sa dalawang pamamaraan: sa
pamamaraang pormal na nagpapataw ng multa at parusang pagkukulong
at sa paraang impormal na may kaugnayan naman sa kultura, tradisyon o
relihiyon ng pamayanan.
Paano nakakatulong ang santuwaryong-dagat sa pagpaparami at
pangkalahatang pangangasiwa ng kabang-dagat?
Ang isang santuwaryong-dagat ay nahahati sa dalawang bahagi: ang
bahaging protektado na hindi pinapangisdaan at ang bahaging
maaaring pangisdaan. Ang kahalagahan ng santuwaryong-dagat sa
pagpaparami at pangkalahatang pangangasiwa ng likas-yamang dagat
ay batay sa mga prinsipyong gumagabay dito:
1. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga yamang-dagat na
magparami nang may laya. Mangangahulugan itong
mananatiling balanse ang likas na sistema ng buhay sa mga
bahura at kaya nitong suportahan ang mga nananatili rito. Ilan sa
mahahalagang uri ng isda, tulad ng lapu-lapu, ay nangingitlog
lamang pagdating sa gulang na 4 na taon. Kapag hinuli kaagad
ang mga isdang ito, katulad ng malimit na nangyayari,
mawawalan sila ng pagkakataong makapagparami at hindi
maglalaon ay uunti ang kanilang uri.
2. Napipigil ng santuwaryong-dagat ang mabilis na pagkaubos
ng mga isda at naibabalik nadadagdagan ang pakinabang sa
pangingisda. Sa isang lugar na may santuwaryong-dagat,
napoproteksyunan ang mga bahura. Ang hindi mapanirang paraan
ng pangingisda ang ginagamit sa ibang bahagi ng santuwaryo. Sa
ganitong paraan, napapanatiling malago at produktibo ang
yamang-dagat sa nasabing lugar. Ang mga dalubhasa ay
nagmumungkahi ng isang formula na 25:75 na kung saan sa isang
santuwaryo 25% kubuuan nito ay protektado at 75% ay maaaring
pangisdaan. Napatunayan na ng karanasan sa Sumilon Island
Marine Reserve na mas malaking ani ang nakukuha ng
mangingisda sa 75 % ng bahura habang may proteksiyon ang
25% bahagi nito kaysa noong nakakapangisda sila sa 100 % ng
bahura nang wala itong proteksiyon.
12 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
3. Dahil protektado ang mga isda sa santuwaryong-dagat, mabilis
silang lumaki at dumami kaya nagiging mabilis rin ang paglipat
nila sa mga katabing bahura o “non-reserve site”. Napatunayan
ang tinatawag na “spillover effect” na ito sa Sumilon Island
Reserve. Mula nang itatag ang marine reserve na ito, tumaas ang
huli ng mga nangingisda as paligid ng Sumilon, bagaman hindi sila
pinayagang mangisda sa reserve site. Pagkaraan ng 10 taon na
proteksyon ay binuksan ng pamahalaang lokal ang santuwaryo at
hinayaang mangisdang muli ang sinuman sa lahat ng bahagi nito,
anumang paraan ng pangingisda ang gamitin nila. Dahil dito, biglang
bumaba ang dami ng ani ng isda mula sa dating reserve site at pati na
rin sa paligid nito, patunay na, pagdating sa tamang gulang, lumilipat
nga ang mga isda mula sa reserve site papuntang non-reserve site.
Sa Apo Island Reserve, napag-alaman naman na ang
pinakamaraming konsentrasyon ng isda ay doon sa lugar na
pinakamalapit sa reserve site.
Ano ang mungkahing balangkas sa pagtatatag ng santuwaryong-
dagat na nasa pangangasiwa ng pamayanan?
Kailangan ng isang balangkas o framework sa pagtatatag ng
santuwaryong-dagat na pangangasiwa ng pamayanan upang
maseguro ang pangmatagalang pakinabang dito. Ito ang gagawing
batayan ng pamayanan, kabilang na ang mga mangingisda at ang
lokal na pamahalaan, sa pangangasiwa at pagpapatakbo ng
santuwaryo. Lima ang proseso ang nakapaloob sa balangkas na
iminumungkahi ng mga dalubhasa:
1. Pagbubuo at pagpapalakas ng samahang pangkomunidad o
community organizing. Mahalaga sa ikatatagumpay ng
santuwaryong-dagat ang kooperasyon ng mga taong gagamit at
makikinabang dito. Sa pamamagitan ng pagbubuo at pagpapalakas ng
samahang pangkomunidad o community organizing, nakapagtatag
ng komite na kung tawagin ay Coastal Resource Management
Committee o Council (CRMC) o Marine Management Committee
(MMC), na siyang direktang mangangasiwa at magpoprotekta ng
santuwaryo. Kabilang sa komiteng ito ang mga opisyal ng
pamahalaang lokal at mga kinatawan ng mga mangingisda.
PANGALAWANG ARAW: Balangkas sa Pagtatatag ng
Santuwaryong-Dagat na nasa Pangasiwaan ng Pamayanan 13
Magkakasama at magtutulungan sila sa pagpaplano at pagdedesisyon
sa pagpapatakbo ng santuwaryo. Dahil may kinatawan ang bawat
sektor sa pagplaplano, ang mga itatakda nilang tuntunin ay mas
maipapatupad nila nang epektibo.
2. Pagbibigay-edukasyon sa pamayanan o community education.
Habang inoorganisa ang pamayanan, kailangang isagawa din ang
pagbibigay-edukasyon sa mga mamamayan. Bago pa man
maitayo ang santuwaryong-dagat ay kailangan ang isang
malawakang information drive para ipaliwanag sa mga
mamamayan ang konsepto, sistema ng pangangasiwa at mga
pakinabang sa wastong pangangalaga sa santuwaryong-dagat.
Nakapaloob dito ang pagtalakay sa mga prinsipyo ng “marine
ecology” at pangangasiwa ng mga likas-yamang dagat. Kailangang
lubusang maunawaan ng mga mamamayan ang epekto ng
santuwaryong-dagat sa kalagayan ng baybaying-dagat at ng mga
naninirahan malapit dito.
3. Pagtatayo ng santuwaryong-dagat o marine sanctuary.
Madaling ipatupad ang pisikal na pagtatayo ng isang santwaryong-
dagat dahil may tiyak na agham at teknolohiyang sinusunod dito.
Kailangan ang pagtutulungan ng mga siyentipiko at ng komunidad.
14 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
Kung malaki ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagtatayo ng
santuwaryo, higit na mauunawaan nila ang proseso at mas magiging
maayos ang pagpapapatakbo sa santuwaryo.
4. Mga batas ukol sa pagtatayo ng santuwaryong-dagat na nasa
pangangasiwa ng pamayanan o community-based marine
sanctuary. Mga siyentipikong impormasyon at ang pagtanggap
ng mga mamamayan ang mga batayan sa pagtatayo ng
santuwaryong-dagat. Ang mga batayang ito ay binabalangkas sa
pamamagitan ng isang lokal na batas o ordinansa. Mahalagang
bahagi ng proseso ang lehislasyon o pagsasabatas may kinalaman
sa pagtatayo at pagpapatakbo ng santuwaryo. Ang ordinansa ay
mahalaga upang maipatupad ang mga regulasyon o pagbabawal
sa pangingisda at iba pang gawain sa loob ng santuwaryo.
5. Pagtataguyod ng likas-kayang pangangasiwa o sustainable
management ng santuwaryong-dagat. Upang matiyak ang
sustainability o likas-kayang pangangasiwa at tagumpay ng
santuwaryong-dagat, kailangan ang sabay-sabay na pagkilos ng
mga mamamayan. Mahalagang nauunawaan ng mga mamamayan
ang layunin ng santuwaryo. Kailangan din na mapa-unlad ang
kanilang kakayahan sa pangangasiwa nito. Kailangan nilang ariin
ang santuwaryo. At kailangang makita nila na may epekto ito sa
kanilang kabuhayan. Sa ganitong paraan, higit na mapapalakas
sila para gawin ang lahat tungo sa ikatatagumpay ng santuwaryo.
Panghuling Pahayag
Hindi sunod-sunod na nangyayari ang mga prosesong nakapaloob sa
iminungkahing balangkas sa pagtatayo at pangangasiwa ng isang
santuwaryong-dagat. Sa katunayan, maaaring sabay-sabay na
ipinatutupad ng pamayanan ang edukasyon, alternatibong kabuhayan,
proteksiyon ng santuwaryo at pagpapatupad ng batas. Kaalinsabay nito
ng pangkalahatang pagtataguyod at pagpapatupad ng mas malawak na
proseso ng CRM o sama-samang pangangasiwa ng pamayanan sa mga
likas-yamang dagat.
PANGALAWANG ARAW: Balangkas sa Pagtatatag ng
Santuwaryong-Dagat na nasa Pangasiwaan ng Pamayanan 15
16 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
3
IKATLONG
ARAW
Pagbuo at Pagpapalakas ng
Samahang Pangkomunidad o
Community Organizing
Ang patuloy na paglala ng mga problema sa pangisdaan at ang pagkasira
ng dagat ang nagtulak sa pamahalaan at mga mamamayan na humanap
ng mga solusyon, kasama na rito ang pagtatag ng santuwaryong-dagat na
nasa pangangasiwa ng pamayanan. Ang tagumpay ng pamamaraang ito
ay bunga ng mga organisadong pamayanan na kung saan ina-ari ng mga
mamamayan ang mga yamang-dagat, at inaako din nila ang mga
responsibilidad sa pangangalaga rito.
Napag-alaman natin na kailangan ang isang balangkas o framework sa
pagtatatag ng santuwaryong-dagat. Ito ang magiging batayan ng
pamayanan sa pangangasiwa ng santuwaryo. Sa yugtong ito, pagtutuunan
natin ng pansin ang unang hakbang ng balangkas na ito, ang pagbuo at
pagpapalakas ng samahang pang-komunidad o community organizing.
Noon pang mga 1950s ay ginagamit na ang community-based resource
management approach sa pangangasiwa ng mga likas-yaman sa
agrikultura. Nguni’t mga 1970s pa nang gamitin ang pamamaraang ito sa
pangangasiwa naman ng likas-yaman sa karagatan. Noong una, ang mga
protektadong lugar ay kalimitang tinatalaga ng pamahalaan na off limits o
ipinagbabawal na gamitin nang lahat. Paglipas ng mga taon, naging mas
mahirap bantayan ang mga ito dahilan sa pagdami ng populasyon at ng
pagtaas ng pangangailangan sa mga likas-yaman. Dahil hindi
nababakuran ang dagat at ang mga biyaya nito ay itinuturing na libre para
sa lahat o common property, hindi maiwasang magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mangingisda at mga taong gustong
bigyang-proteksiyon ang lugar, lalo pa kung ang lugar na kalimitang
nangangailangan ng pinakamalaking proteksiyon ay siya ring lugar na
pinakamagandang pagkuhanan ng likas-yaman. Dahil dito, unti-unting
nagkaroon ng pagbibigay-halaga sa ideya ng pagkuha ng kooperasyon ng
komunidad sa pangangalaga ng likas-yamang sila rin naman ang
makikinabang sa huli.
Noong 1980s pa tuluyang tinanggap ang nabanggit na ideya ng mga
unibersidad at mga organisasyon tulad ng mga non-governmental
organizations. Ang mga ito ang unang kumikilala sa kakayahan ng mga
pamayanan na pangasiwaan ang mga likas-yamang dagat. Nakita nila na
ang kooperasyon ng pamayanan sa pagpapatakbo ng santuwaryo ay
makakatulong upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
mga mamamayan at ng ibang grupo na gustong bigyan ng proteksyon
ang lugar. At nakita nilang kung kasali ang mga mamamayan sa
pangangasiwa, mas nauunawaan nila ang layunin sa pangangalaga ng
likas-yaman.
18 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
:
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
Ano ang community organizing?
Ang community organizing ay isang proseso na kung saan kinikilala at
ipinahahayag ng mga mamamayan ang kanilang mga problema at sabay-
sabay na kumikilos sa paghahanap ng mga solusyon, mga pamamaraan
at kasangkapang kakailanganin sa paglutas ng mga ito.
Sa konteksto ng pagtatayo ng santuwaryong-dagat, ang pag-unawa ng
pamayanan sa kanilang hinaharap na mga problema ay tutungo sa
kanilang pag-amin na tunay ngang mahalaga ang pampamayanang
responsibilidad sa pangangasiwa ng kapaligiran upang patuloy nitong
masustentuhan ang kanilang mga pangangailangan.
Anu-ano ang mga layunin ng pagbuo ng isang samahang pang-
komunidad?
Ang isang samahang pangkomunidad ay binubuo upang:
1. Mabatid ng mga mamamayan ang kalagayan ng kanilang kapaligiran
at mga likas-yaman
2. Magkaroon ng mas malaking partisipasyon ang mga mamamayan sa
pagpapasya sa mga hakbanging maaaring nilang gawin upang
mapabuti ang kanilang kalagayan
3. Lalung lumakas ang kapasidad ng mga mamamayan na makakuha ng
mga pondo para sa mga proyektong pakikinabangan nila
4. Matulungan ang mga mamamayan na makipag-ugnayan at maki-anib
sa iba pang mga organisasyon at makipagpalitan ng kaukulang
teknolohiya
5. Makapagtatag at matustusan ang isang permanenteng organisasyon
na siyang mangangasiwa sa mga likas-yaman ng pamayanan
6. Makapagbigay ng iba pang kakailanganing panlipunang preparasyon
para mapakinabangan ang iba pang pamamaraan ng pangangasiwa sa
mga likas-yamang dagat
PANGATLONG ARAW: Pagbuo at Pagpapalakas ng Samahang
Pangkomunidad o Community Organizing 19
Ano ang likas na katangian ng isang pamayanan?
Maaaring ang pamayanan ay binubuo ng mga mamamayan na
karamihan sa kanila ay mga nananawid-buhay na mangingisda
(subsistence level fishermen). Maaari din namang ang pamayanan ay
binubuo ng maraming sektor na may kanya-kanyang interes, tulad ng
lokal na pamahalaan, mga komersiyal na mangingisda, mga nasa
industriya ng agrikultura, paglalayag, transportasyon, turismo at
propyedad. Kalimitan, ang mga substinence fishers ang higit nababahala
sa maaaring epekto ng pagtatayo ng santuwaryo sa kanilang kabuhayan.
Sa pakikipamuhay sa mga pamayanan o community involvement, layunin
nito na itaguyod ang kakayahan ng lahat ng sektor, kasama ang mga
organisasyon na maisakatuparan ang mga programa, proyekto at mga
responsibilidad sa pangangasiwa ng karagatan at mga likas-yaman.
Maaari bang itatag ang isang santuwaryong-dagat kahit walang
partisipasyon ang pamayanan?
May iba’t ibang klase ng pangangasiwa sa santuwaryo, ayon na rin sa
antas ng pagkakasangkot sa pamayanan o levels of community
involvement:
1. Mga santuwaryong-dagat na nasa pangangasiwa ng pamayanan
2. Mga santuwaryong-dagat kung saan ang proteksiyong iginagawad ng
pamayanan ay nakaugalian na nilang gawin
3. Mga santuwaryong-dagat na itinatag ng gobyerno (biosphere
reserves)
4. Mga sanutwaryong-dagat na itinatag ng gobyerno, nguni’t may
kooperasyon ng pamayanan
Sa madaling salita, maaaring itatag ang isang santuwaryong-dagat nang
walang partisipasyon ang pamayanan, nguni’t mas makabubuting kasama
sila sa pangangasiwa nito. Sa paglagong muli ng mga bahura at
pagbabalik-sigla ng mga sistemang buhay sa bahaging ito ng dagat, tiyak
na pag-iinteresan ang santuwaryong ito ng kung sinu-sinong grupo,
kabilang na ang pamayanang dapat sana’y katulong sa pangangalaga
nito.
20 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
Malawak na ang karanasan ng Pilipinas sa pagtatayo ng mga
santuwaryong-dagat na nasa pangangasiwa ng pamayanan. Una itong
sinubukan sa baybaying komunidad ng Sagay, Negros Occidental at
Guihulngan, Negros Oriental. Sa pamamagitan ng programang pang-
edukasyon, tinulungan ang mga mamamayan na gumawa ng sariling mga
regulasyon para sa epektibong pagpapatupad ng batas para sa
pangangalaga ng mga bahura. Sa kalaunan, ang ganitong gawain ay
ipinatupad na rin ng Silliman University sa mga isla ng Balicasag at
Pamilacan sa Bohol at Apo sa Negros Oriental.
Sinu-sino ang mga taong kasama sa pag-oorganisa ng pamayanan?
Kailangang kasama sa proseso ang iba’t-ibang sektor ng pamayanan —
mga mangingisda, kinatawan ng simbahan, opisyales ng pamahalaan,
non-governmental organization, at unibersidad. Ang mga NGOs at
unibersidad ang kalimitang tumutulong at umaakay sa pamayanan sa
pag-unawa sa teknolohiya at paghahanap ng pondong gugugulin para sa
proyekto.
PANGATLONG ARAW: Pagbuo at Pagpapalakas ng Samahang
Pangkomunidad o Community Organizing 21
Ano ang bahaging ginagampanan ng isang community organizer?
Ang community organizer (CO) ang siyang nagsisilbing gabay sa tao sa
pamayanan. Kailangang nauunawaan ng CO ang iba’t-ibang teorya ng
pag-unlad at pamilyar siya sa konsepto ng pag-oorganisa sa pamayanan.
Kailangan ding may kakayahan siyang maki-ugnay sa mga siyentipiko.
Higit sa lahat, kailangang marunong siyang makisama sa mga miyembro
ng pamayanan.
Ano ang proseso ng community organizing ?
May anim na yugto o bahagi ang proseso ng community organizing:
1. Paghahanda (Preparatory Phase)
Sa bahaging ito nagsisimula ang pag-oorganisa ng pamayanan. Dito
ipinababatid sa mga mamamayan ang konsepto, layunin at kahalagahan
ng pagtatatag ng santuwaryong-dagat, at bentahe ng wastong
pangangalaga nito. Mahalagang maging bukas ang komunidad sa tulong
na ibibigay sa kanila.
Sa bahaging ito, nakatutok ang pag-oorganisa sa mga gawaing:
w Pag-aaral at pagsasanay ng “community organizer” sa konsepto ng
pangangasiwa ng likas-yamang dagat
w Pagpili ng lugar. Ang pamayanan na tutulungan ay kailangang
naaangkop sa disenyo ng programa. Kailangang isaalang-alang ang
kapayapaan ng lugar, gaano ito kadaling mararating at ang kahandan
na tanggapin ng mga lider ng pamayanan ang proyekto
w Pangangalap ng secondary data o impormasyon tungkol sa
pamayanan. Maaari ring magsagawa ng panayam sa mga taong
nakakaalam ng lugar
w Paglalaan ng mga kinakailanganing bagay at alalahaning-pang-
administrayon sa parte ng tutulong na ahensiya at community
organizer
Kalimitan, nanggagaling sa labas ng pamayanan ang realisasyong
kailangan nila ang santuwaryong-dagat, halimbawa, ang mga siyentipiko
22 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
ang madalas na tumutukoy sa mga lugar na nangangailangan ng proteksiyon.
Sa anu’t anuman, kailangang hikayatin ang pamayanan na suportahan ang
proyekto. Kadalasa’y naglulunsad ang mga siyentipiko at taga-organisa ng
pamayanan ng isang kampanya para ipamulat sa tao ang konsepto ng
santuwaryong-dagat. Matapos makuha ang simpatiya at kooperasyon ng
pamayanan, saka lamang sinisimulan ang mismong pagtatayo ng santuwaryo.
Dala na rin ng tagumpay ng ilang mga pamayanan sa pangangasiwa ng
santuwaryong-dagat, malimit na ring mangyari na ang mga mamamayan
na mismo ang lumalapit sa mga siyentipiko, ahensiya ng gobyerno o
nagmamalasakit na organisasyon para matulungan silang magtayo ng
sarili nilang santuwaryong-dagat. Sa kasong ito, hindi na marahil
kailangang hikayatin ang mga mamamayan o lokal na opisyales tungkol
sa bentaheng maaari nilang makuha sa santwaryong-dagat, nguni’t
kailangan pa ring paghandaan ng community organizer ang pagpasok
niya sa pamayanan sa pamamagitan ng pagkalap ng tama at
napapanahong mga impormasyon.
2. Pakikipamuhay sa Pamayanan (Integration Phase)
Dala ang kaalamang nakuha sa pananaliksik, papasok na ang community
organizer at sisimulan na ang susunod na hakbang sa pagpapalakas ng
pamayanan, ang tinatawag na Integration Phase. Sa pamamagitan ng
pakikipamuhay sa pamayanan, ang CO ay magkakaroon ng mga
impormasyon mula sa mga tao mismo. Sa pamamagitan ng pagtatasa,
makakapag-isip ng mga hakbangin ang CO
na makabubuti sa mga mamamayan.
Sa Pilipinas, bahagi ng gawain
ng CO ang pakikipamuhay
sa pamayanan. Dito
gagampanan niya ang
ilang tungkulin:
w Ituro at ipaliwanag
sa mamamayan
ang ideya tungkol
sa santuwaryong-
dagat
PANGATLONG ARAW: Pagbuo at Pagpapalakas ng Samahang
Pangkomunidad o Community Organizing 23
w Dumalo sa mga pulong
w Pag-aralan ang kultura at tradisyon ng pamayanan
w Magtaguyod ng mga taong may potensyal sa pagbibigay ng lideratong
kakailanganin sa pangangasiwa ng santuwaryo
Ang mga sumusunod naman ang ginagawa ng organizer sa yugtong ito:
w Makipag-ugnayan sa mga kinikilalang lider ng lugar lalo na sa mga
opisyales ng barangay ukol sa balak na pagtatayo ng santuwaryong-
dagat para sa pamayanan.
w Mangalap ng impormasyon tungkol sa lugar sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa mga pampamayanang gawain. Kabilang sa mga
impormasyong kakailanganin ay tungkol sa kalagayan ng mga
yamang-dagat, partikular ang kalagayan ng bahura sa
iminumungkahing santuwaryong-dagat. Kasama ang mga
siyentipiko, tutulungan ng organizer ang mga mamamayan na suriin
ang kalagayan ng mga bahura sa lugar nila. Mahalaga ring
makapanayam ang mismong mga miyembro ng komunidad ukol sa
mga praktikal na bagay gaya ng pagbabago ng huling isda ayon sa
panahon, pagkakabahagi ng iba’t-ibang uri ng isda sa iba’t-ibang
marine ecosystems at lagay ng panahon. Ang mga impormasyong
makakalap sa pamamaraang ito ay gagamitin sa pagpaplano kaugnay
ng pagtatatag ng santuwaryong-dagat. Mahalagang maibalik sa
pamayanan ang resulta ng siyentipikong pag-aaral na ginawa sa lugar
nila para lubos nilang maintindihan at matanggap ang kahalagahan at
bentahe ng pagkakaroon ng santuwaryong-dagat.
w Pagpapalakas sa mga lider at pagtukoy sa mga potensiyal ng lider
ng komunidad.
w Pagbuo ng pangunahing grupo o “core group” na kakatawan sa mga
sektor ng pamayanan. Ang core group ay malimit na tawaging
coastal resource management committee o council (sa Apo Island
Marine Reserve, tinawag itong Marine Management Committee o
MMC). Ito ay isang grupo na direktang mangangasiwa at
mangangalaga ng santwaryo. Kabilang sa komiteng ito ang mga lokal na
opisyales ng gobyerno at mga kinatawan ng mga mangingisda. Silang
24 Panimulang Aralin sa Pagtatag ng Santuwaryong-Dagat
na nasa Pangangasiwa ng Pamayanan
lahat ay kasama sa pagpaplano at pagdedesisyon kaugnay ng
pagpapatakbo ng santuwaryo.
w Pagtatasa ng mga gawain ng coastal resource management
committee o council.
Base sa mga paniniwala at kaugalian ng pamayanan, ang community
organizer at ang komite ay magbubuo ng mga alituntunin para sa
santuwaryong-dagat. Tatasahin at imo-monitor nila ang mga gawaing ito
para sa ikabubuti ng pamayanan.
3. Pagkilos Tungo sa Pagtatatag ng Santuwaryong-Dagat
(Mobilization Phase)
Kapag pinagtitiwalaan at tanggap na ng pamayanan ang community
organizer sa makakapag-organisa na siya ng isang core group ng mga
lider na maaaring mapakilos tungo sa mga sumusunod na gawain:
w Pagplaplano ng pagkilos ng pamayanan. Maaaring bumuo ng mga
kooperatiba o asosasyon ang mga mangingisda o miyembro ng
pamayanan para sa mas matibay na mga pagkilos.
w Pagsasanay sa mga lider at pagpapatibay ng samahan ng grupo.
Kapag natukoy na ang mga pinuno ng pamayanan, iimbitahin sila sa
mga diskusyon at pagsasanay para sa mas epektibong pamumuno.
w Pagdadala sa grupo sa matagumpay na mga santuwaryong-dagat
para makita at matuto sa karanasan ng iba at makapulot ng
mahahalagang leksyon na maaaring magamit na gabay sa pagtatatag
ng santuwaryo.
w Pagtatatag ng alternatibong kabuhayan para sa pamayanan.
w Pagtutukoy ng problema at paghahanap ng solusyon sa mga
problemang ito.
w Pagsasanay sa mga kakayahang kakailanganin ng grupo sa kanilang
napipintong pagsasarili.
w Pagtatatag ng istruktura ng pangangasiwa sa mga likas-yaman.
w Pagdedesisyon ukol sa sama-samang pagkilos tungo sa pagpapakita
at paghihikayat ng suporta para sa itinayong santuwaryong-dagat.
PANGATLONG ARAW: Pagbuo at Pagpapalakas ng Samahang
Pangkomunidad o Community Organizing 25
w Pagpapakilala sa grupo bilang isang pormal na organisasyong may
karapatang gumawa ng mga patakaran alinsunod sa batas.
Ang pangunahing tungkulin ng coastal resource management committee ay
ang paggawa ng resolusyon para maitatag ang santwaryong-dagat nang
naaayon sa ordinansiya ng munisipyo at mga batas ng bansa.
4. Pagpapalakas ng Organisasyon
Mahalagang mapatatag ang samahan dahil ito ang magbibigay-lakas sa
komunidad upang patuloy na pangasiwaan ang santuwaryong-dagat. Sa
takdang panahon, ang pagtulong ng community organizer o organisasyon
sa pamayanan ay matatapos din. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
positibong feedback, gaya ng pagbabalita sa publiko ng tagumpay ng
itinatag na santuwaryong-dagat, makakatulong ito sa pagpapalakas ng
samahan. Makakatulong din ang papuring ibinibigay ng mga turista at iba
pang bisita sa santuwaryo. Pero higit na gaganahan ang pamayanan kung
mapupuna nila mismo ang pagbuti ng kanilang buhay, halimbawa, sa
pamamagitan ng pagdami ng huli nilang isda.
Kasama sa mga gawain sa yugtong ito ang:
w Paghahanda sa mga lider na papalit sa community organizer sa mga
gawaing may kaugnayan sa pag-organisa kapag umalis na ang mga
ito.
w Pakikipag-ugnayan at pakikipag-alyansa sa iba pang mga
organisasyon sa loob at labas ng pamayanan.
w Pagpapatibay ng mga paglilingkod-sibiko at pagbibigay ng
alternatibong kabuhayan na inumpisahan sa mobilization phase. Sa
iban


Use: 0.3236